P-Noy binisita ang Isabela, Cagayan

CAUAYAN CITY, Philippines — Per­sonal na binisita ka­hapon ni Pangulong Be­nigno Aquino III ang la­lawigan ng Cagayan at Isabela upang pangunahan ang pamimigay ng tulong sa mga naging biktima ng nagdaang super typhoon na si Juan.

Ayon kay Pangulong Aquino, mahigit sa 800,000 katao ang nawalan ng kabuhayan at ari-arian sa buong Cagayan Valley dulot ng pinsala na hatid ni bagyong si Juan.

Namahagi ang Pangulo ng mga relief goods at mga tents na magagamit ng mga naapektuhan ng bagyo.

Pangunahing tinutukan ng relief team ang mga ba­yan ng Maconacon, Divi­lacan at Palanan sa lalawi­gang ito na nananatili pa ring isolated matapos ba­yuhin ng bagyo.

Binalaan naman ni Aqui­no ang mga local opisyal sa rehiyon na huwag saman­talahin ang kalamidad para abusuhin ang mga pon­dong nakalaan sana sa mga biktima at siguradu­hing matatanggap ng mga naapektuhang indibidwal.

Personal naman na nag­pasalamat si Isabela Gov. Faustino Dy sa Pa­ngulo sa ikatlong pagka­kataon na pagdalaw nito sa lalawigan.

Samantala, iginiit na­man ni Aquino na hindi kailangang umangkat ng bigas ang bansa dahil sapat ang supply ng NFA sa mga bodega nito.

Nagbabala din ang Pangulo sa mga nagba­balak magsamantala sa naganap na kalamidad kasabay ang pangakong gagamitin ng tama ang calamity fund upang tulungan ang mga nasalanta ni Juan. Victor Martin/Rudy Andal

Show comments