Barangay chairman sugatan sa ambush
MANILA, Philippines - Nasa malubhang kalagayan ang isang incumbent barangay chairman matapos itong pagbabarilin ng hindi nakilalang mga suspek habang sakay ito ng tricycle kahapon ng umaga sa Brgy. Sengal, Lamitan City, Basilan.
Ang sugatang barangay chairman ay si Jainudin Dulla na nagtamo ng tama ng bala sa balikat.
Namatay naman ang nagmamaneho ng tricycle na sinasakyan ng chairman na si Jamrud Kuranding.
Ayon sa ulat, bandang alas-8:00 ng umaga kahapon habang lulan ng tricycle ang biktima ng bigla itong tambangan ng hindi nakilalang lalaki sa highway ng Barangay Sengal.
Minalas na natamaan din ng bala ang tricycle driver na ikinasawi nito habang isinugod naman sa ospital ang sugatang barangay chairman na muling kakandidato sa darating na Oct. 25 barangay elections. Nakatakas naman ang mga suspek.
- Latest
- Trending