Amo binurdahan ng saksak ng sinibak na kusinero

STA.MARIA, Bulacan, Philippines —Isang negosyanteng ba­bae ang tinadtad ng saksak ng kanyang dating kusi­nero at agaw-buhay nga­yon sa pagamutan kama­ka­lawa ng gabi sa Brgy. Caypombo ng bayang ito.

Kinilala ang biktima na si Lolita Pascual, 35-anyos, may-ari ng karinderya sa na­sabing lugar habang na­aresto naman agad ang suspek na si Dennie La­cerna, 39, ng Las Palmas Subdivision ng naturang barangay.

Ayon sa ulat ng pulisya, bandang alas-6:45 kama­kalawa ng gabi ng sumu­god ang suspek sa karin­derya na armado ng 12-pul­gadang haba na kutsilyo saka sinaksak ang kan­yang dating amo.

Napag-alaman na ti­nang­­gal sa trabaho ang sus­pek ng biktima kaya nag­tanim ito ng sama ng loob.

Lalong nagalit ang sus­pek ng ‘siraan’ pa siya ng kanyang dating amo sa mga gusto niyang pasukan kaya naisip nitong gu­manti na lamang sa amo.

Dinala ang sugatang bik­tima sa isang ospital sa Quezon City habang na­aresto naman ang sus­pek sa isinagawang follow-up operations dito.

Show comments