Barangay council bet itinumba

DAVAO CITY, Philippines – Binaril at napatay ang isang kandidato sa pagka-barangay councilor noong Lunes ng gabi sa Brgy. Indangan sa Buhangin Dis­trict, Davao City. Kinilala ang napaslang na Si Ariel Tolibas, 41, ng Kilometro 12, Blissful Family Village. Lumilitaw sa im­betigasyon, nagpapahinga ang biktima sa harap ng tin­dahan matapos ang cam­paign sortie nang lapitan at barilin ng ’di-kilalang lalaki. Hindi naman madetermina ng pulisya kung may bahid-poli­tika dahil marami ang kuma­kandidato bilang konsehal. May teorya ang pulisya na personal na alitan ang motibo ng pamamaslang. Phil. Star News Service

Show comments