Suspek sa Lamitan siege tiklo

ZAMBOANGA CITY, Philippines – Kalaboso ang binagsakan ng isang bandidong Abu Sayyaf na sinasabing sangkot sa Lamitan siege makaraang maaresto ng mga operatiba ng intelligence unit ng Phil.Air Force at pulisya malapit sa Zamboanga City Hall noong Sabado. Kasalukuyang sumasailalim sa tactical inter­rogation si Annik “Abu Sama” Usama na nadakma ng 3rd Air Division ng PAF base narin sa warrant of arrest na inisyu ni Judge Danilo Bucoy sa kasong kidnapping and serious illegal detention at walang piyansang inirekomenda. Hindi naman nabatid ng mga awtoridad ang plano ng suspek sa nabanggit na lugar subalit may teorya ang pulisya na may plano ang mga bandido na maghasik ng lagim sa pagdaraos ng Feast of Pilar. Phil. Star News Service

Show comments