2 hepe ng pulisya sibak sa jueteng

MANILA, Philippines - Dalawa pang hepe ng pulisya ang sinibak sa Southern Tagalog Region kaugnay ng ipinatutupad na ‘one strike policy’ laban sa illegal number game na jueteng.

Ipinag-utos ni Cala­bar­zon PNP director P/Chief Supt. Samuel Pagdi­lao ang administrative relief at pagsasailalim sa imbesti­gasyon laban kina P/Supt. Ferdinand Castro, hepe ng San Pablo City PNP at P/Senior Inspector Noel Ca­rias, hepe ng Alaminos PNP sa Laguna.

Lumilitaw na sinalakay ng mga operatiba ng Coun­ter Intelligence Division ng National Bureau of Investigation (NBI) ang bahagi ng Brgy. San Ig­nacio, San Pablo City, Laguna kung saan ay naka­samsam ng mga jueteng pa­raphernalia habang 14-katao naman ang nasa­kote.

Samantala, noong Ok­t­ub­re 14 ay sinalakay din ng mga tauhan ng NBI ang bayan ng Alaminos, Laguna at nasakote ang 10-katao at nakasamsam ng mga jueteng paraphernalia.

Ipinatawag ni Pagdilao ang lahat ng provincial director at hepe ng pulisya sa CALABARZON kung saan inatasang gawing 100 % jueteng free ang kani-kanilang nasasakupang lugar alinsunod sa direktiba ni PNP Chief Director Ge­neral Raul Bacalzo.

Magugunita na nau­nang nasibak sa puwesto sina P/Chief Inspector Peter Madria ng Cabiao PNP at P/Senior Inspector Flo­rentino Cuevas ng Lupao PNP sa Nueva Ecija at isi­nailalim sa administrative relief.

Show comments