^

Probinsiya

Bagsik ni Juan rumagasa

- Nina Joy Cantos, Angie Dela Cruz at Victor Martin -

MANILA, Philippines - Rumagasa na ang super typhoon Juan (Megi) sa kabundukan ng Sierra Mad­re kung saan aabot sa 18 bayan sa lalawigan ng Isabela ang naapektuhan habang libu-libong pamilya naman ang nailikas na sa mas ligtas na lugar.

Bunsod nito, umaabot sa 36,850 ektaryang pa­layan sa Isabela na pinani­niwalaang aanihin ng mga magsasaka ang napinsala sa hagupit ng bagyong Juan habang 22 lalawigan din ang napinsala.

Samantala, unang ini­u­lat na nasawi ang kan­di­datong konsehal na si Vi­cente Decena, 58, maka­raang tangayin ng malakas na agos habang tumatawid sa Cagayan River sa Brgy. Nammabbalan Norte sa Tuguegarao City.

Kinumpirma ni National Disaster Risk Reduction and Management Center Executive Director Benito Ramos, na narekober ang bangkay ni Decena sa Bun­ton Bridge bandang alas-4:30 ng hapon.

State of calamity

Kasunod nito, isinaila­lim sa state of calamity ang Isa­be­la ma­tapos ideklara ni Isa­bela Governor Faus­tino Dy.

“Isabela suffered power outrage as electrical posts toppled down, uprooted trees, roofs blown down, experiencing strong winds and heavy rains,” pahayag ni Ramos

Inaasahang susunod na ring magdedeklara ng state of calamity ang lalawigan ng Cagayan.

Apat na landslide rin ang naitala kung saan hindi pa madaanan ang Ben­guet-Dalupirip Itogon at Nueva Vizcaya-Benguet Road, Claveria -Calanasan Road, Mabanong Section at Lenneng-Cabugao Road sa Apayao.

Libu-libo nagsilikas

Umabot naman sa 3,066 residente ang puwer­sahang lumikas sa Ca­gayan habang 3,785-katao naman sa Isabela.

Maging ang 2,786-ka­tao sa Cagayan Valley ka­bilang ang 657 katao sa mga Barangay Minanga at Caruan sa bayan ng Gon­zaga; 750-katao naman sa Barangay Abariongan, Ruar at Niug Norte sa Sto. Niño at 1,250 sa Barangay Gagabutan, Masi Bural sa Rizal; 53 naman sa Bara­ngay Sta Clara, Kapaniktan at Marede, Sta Ana habang 76-katao sa Barangay Maura, Aparri.

Umaabot naman sa 3,687 residente ang inilikas sa Pangasinan, Benguet at Kalinga. Hindi na mada­daanan ang Tawwi Bridge at Cabasan Bridge sa ba­yan ng Peñablanca, Caga­yan habang tinataya na­man sa P40-milyong ang inisyal na pinsala sa im­prastraktura at ari-arian sa hagupit ni Juan

Stranded na mga pasahero

Stranded naman sa Aparri ang MV Eagle Ferry (23 pahero) at MB GMA (10 pasahero) habang nasa Sta. Ana Municipal Fish­port ang MB Babylyn na may sakay na 18-pasahero.

Kinansela naman ang mga biyahe ng eroplano pa­tungong Northern Lu­zon bunsod ng masa­mang pa­na­hon dulot ng bagyong Juan.

Juan pa- Baguio city

Matapos ang landfall ni Juan sa Isabela ay inaasa­hang raragasa ngayong umaga sa Baguio City ba­go tuluyang lumabas sa area or responsibility ng bansa.

Malaki ang naitulong ng ‘zero casualties’ ni PNoy sa pag-alerto sa mga mama­mayan para maiwasang mabiktima ng delubyo ng bagyo.

ANA MUNICIPAL FISH

APARRI

BAGUIO CITY

BARANGAY ABARIONGAN

BARANGAY GAGABUTAN

BARANGAY MAURA

ISABELA

NAMAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with