^

Probinsiya

3 katao tumba sa engkuwentro

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Tatlo-katao ang iniulat na napaslang habang tat­long iba pa ang sugatan ma­tapos sumiklab ang madugong sagupaan ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Army, tribal group laban sa mga re­bel­deng New People’s Army sa liblib na bahagi ng Bisig City, Surigao del Sur, ka­makalawa.

Dalawa sa napatay ay mula sa Datu Dumogoy Tri­bal Group at isa sa rebel­deng NPA na patuloy na bineberipika ang pagkaka­ki­lanlan ng pulisya.

Samantala, sugatan na­man ang tatlong katutubo ng Datu Dumogoy Tribal Group, ayon sa police report.

Base sa ulat ng PNP-Ca­raga Region na naka­rating sa Camp Crame, naganap ang sagupaan pasado alas-5 ng umaga sa liblib na bahagi ng Sitio Mabog, sa Barangay San Roque.

Sinasabing nagsanib puwersa ang 75th Infantry Battalion ng Phil. Army at grupo ng tribong Datu Dumogoy laban sa mga rebelde na tumagal ang engkwentro ng halos 30-minuto bago nagsiatras matapos malagasan.

Narekober ang bandera ng NPA (Hukbong Bayan), tatlong M-14 Armalite rifles, 3-landmine, dala­wang gra­ nada, 2-rifle grenades, assorted medicines, at dental kit.

Ipinag-utos na ni P/ Chief Supt. Reynaldo Ra­fal, Cara­ga PNP region­al director, na maglatag ng 24oras na checkpoint sa lahat ng PNP municipal station sa lala­wigan para paghan­daan ang barangay at SK elections sa Oktubre 25.

BARANGAY SAN ROQUE

BISIG CITY

CAMP CRAME

CHIEF SUPT

DATU DUMOGOY

DATU DUMOGOY TRI

DATU DUMOGOY TRIBAL GROUP

HUKBONG BAYAN

INFANTRY BATTALION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with