4 arestado sa gang-rape

BULACAN, Philippines  — Rehas na bakal ang binagsakan ng apat na kalalakihan makaraang maaresto ng pulisya sa kasong gang-rape laban sa menor-de-edad na babae sa bayan ng San Rafael, Bulacan. Kinilala ni P/Supt. Rodolfo Hernandez, ang mga suspek na sina Ariel Valmadrid, 20; utol nitong si Dennis Valmadrid 28; Aldrin Sivestre, 21; at si Kenneth Jimenes, 18, pawang nakatira sa Brgy. Pasong Bakal Inaresto ang mga suspek sa bisa ng warrant of arrrest na inisyu ni Judge Ma.Teresa Mendoza-Arcega ng Malolos City Regional Trial Court Branch 17 kung saan naganap ang krimen noong Abril 3, 2010.

Show comments