Misis ni Lucio Tan pinalaya na

MANILA, Philippines - Matapos ang isang ling­gong pagkakabihag, pina­laya na ng mga kidnaper ang bihag na Filipino- Chinese na misis ng hardware owner na si Lucio Tan na ki­nid­nap sa Cota­bato City, ayon sa opisyal kahapon. Kinumpirma ni Col. Er­nesto Aradanas, Comman­der ng Army’s 603rd Brigade ang pagpapalaya ng mga kidnaper sa biktimang si Conchita Tan, 73-anyos, may­-ari ng LCT Hardware na matatagpuan sa kahabaan ng Don Rufino Alonzo St. sa lungsod ng Cotabato. “The kidnappers freed the victim, she’s on her way to Manila for her medication", ani Aradanas sa phone interview kung saan sinabi nito na sumakay na kahapon ng 12:15 tanghali ng Cebu Pacific flight sa Co­tabato City patungong May­nila ang biktima. Sinasabing ang biktima ay namataang naglalakad sa pagitan ng hangganan ng Maguindanao, Cotabato at North Cotabato kahapon bandang alas-9:40 ng uma­ga at maayos na naka­balik sa kaniyang pamilya sa Cotabato City. Kasa­lukuyan namang ina­alam kung nagbayad ng ransom ang pa­milya ng bik­tima sa mga kidnaper ka­palit ng kalayaan nito. Ma­ gugunita na si Mrs. Tan ay dinukot ng mga ar­madong kala­lakihan noong Oktubre 8 sa Purok Sal­vacion, Brgy. Rosary Heights 2, Cotabato City kung saan napatay sa shootout ang driver nitong si Alvin Do­ruelo at security escort na si Richard Em­berga.

Show comments