2 pusher nalambat

CAMP ALEJO SANTOS, Malolos City, Philippines — Dala­wang pinaghihinalaang drug pusher ang naaresto ng mga awtoridad sa ginawang buy-bust operations sa magka­kahiwalay na bayan sa Bulacan. Ang unang naaresto ay nakilalang si Marites Sibug, 40 at residente ng St. Michael Subdivision, Marilao at ang pangalawa naman ay si Ramon Maturingan, 32 ng Barangay Sta. Monica, Hagonoy. Ayon kay Sr. Supt. Fernando Villanueva, Bulacan PNP director, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa pagbebenta ng droga ng mga suspek kaya inatasan niya ang kanyang mga tauhan na magsagawa ng buy-bust operations. Bumagsak naman sa bitag ng Bulacan Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Force ang mga suspek sa ginawang operasyon.

Show comments