Pumatay sa election officer arestado
October 15, 2010 | 12:00am
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Naaresto ng mga awtoridad ang isa sa mga itinuturong sangkot sa pagpatay sa isang Comelec official noong nakaraang taon sa Isabela. Ang naaresto ay si Ariston Delgado, 32 at tubong Tabuk City, Kalinga. Siya ang isa sa itinuturong suspek sa pagpatay kay Atty. Michael Valdez, election supervisor sa Isabela. Pinatay ang election officer noong Nov. 14, 2009 sa Tumauini, Isabela at isa sa itinuturong suspek si Delgado.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest