3 patay, 3 sugatan sa granada

MANILA, Philippines - Tatlong miyembro ng pamilya ang nasawi ha­bang 3 iba pa ang nasu­gatan matapos pasabugan ng granada ang kanilang tahanan sa Barangay Ti­nung­kaan, North Upi, Ma­guindanao kama­ka­lawa ng gabi.

Ang mga nasawi ay sina Angeline Timpadan at ang 2 anak nitong sina Laarni, 6-anyos at Juliane, 4-taong gulang habang nasagutan naman ang ibang anak ni Timpadan na sina Angel, 8; Icel, 3 at Alanis, 1 taong gu­lang na dinala sa Datu Blah Sin­suat hospital.

Napag-alaman na da­kong alas-11 ng gabi ng ha­­gisan ng granada ang bahay ng mga biktima ha­bang natutulog ang mga ito ng hindi nakilalang mga suspek.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo ng pangyayari.

Show comments