Dalagita ginahasa, pinatay
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines — Isang 14-anyos na dalagita ang ginahasa saka pinatay ng hindi nakilalang mga suspek matapos matagpuan ito sa damuhan sa Barangay Pamurayan, Sorsogon City kahapon ng umaga.
Ang biktima ay nakilalang si Mildred Arevalo, high school student ng Sorsogon National High School.
Ayon kay Supt. Eriberto Olitoquit, Sorsogon provincial director, nakita ang bangkay ng biktima bandang alas-5 ng madaling- araw kahapon na nakahandusay sa madamong lugar at tadtad ng saksak ang hubad na katawan nito.
Malaki ang paniniwala ng mga awtoridad na ginahasa bago pinatay ang dalagita ng mga hindi nakilalang suspek.
May hinala din ang pulisya na mga sabog sa gamot ang mga gumawa ng karumal-dumal na krimen sa dalagita.
- Latest
- Trending