Magsasaka todas sa kidlat
SARIAYA, Quezon, Philippines — Isang magsasaka ang nasawi matapos itong tamaan ng kidlat habang nasa bukid kamakalawa sa Barangay Antipolo ng bayang ito.
Ang biktima ay nakilalang si Ruel Mercurio, 35-anyos at nakatira sa Barangay Morong ng bayang ito.
Ayon kay PO2 Alnor Tagara, bandang alas-3:00 ng hapon habang nasa bukid ang biktima at nagsasaka gamit ang kanyang hand tractor kasama ang pinsan nitong si Ronaldo del Mundo ng biglang bumuhos ang malakas na ulan.
Sumilong sa isang waiting shed si del Mundo habang naiwan sa bukid ang biktima kahit matatalim na ang mga kidlat.
Nang tumila ang ulan ay bumalik sa bukid si del Mundo hanggang sa makita nito ang biktima na umuusok ang katawan matapos tamaan ng kidlat at nakahandusay sa tubigan.
- Latest
- Trending