^

Probinsiya

Cafgu nag-amok: 2 dedo, 5 sugatan

-

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Dalawa-katao ang iniulat na napaslang samantalang limang iba pa ang nasugatan mata­ pos mag ala-Rambo ang isang sundalo ng Cafgu (Citizens Armed Forces Geographical Unit) ha­bang nasa la­may sa ba­yan ng Pagsan­jan, Laguna kahapon ng ma­daling-araw.

Kinilala ni P/Insp. Luis Perez, hepe ng Pagsanjan PNP ang suspek na si Teodoro Rizare, 29, ng Brgy. Buboy, Pagsanjan, isang rebel returnee at miyembro ng Cafgu sa ilalim ng Philippine Army.

Ayon sa police report, dumalaw si Rizare sa lamay ng kaniyang kapit­bahay na nakainom na hanggang masagi nito ang isang matanda at akmang sasaktan nito subalit pinag­tulungang bugbugin ng ilang bisita.

Gulpi-saradong umalis si Rizare pero nang bu­malik ito ay bitbit na ang Carbine at niratrat ang mga tao sa lamay.

Nasawi ang mag-asa­wang Bernardo “Boy” Flo­res at Mylene Dollas, sa­mantalang nagtamo na­man ng tama sa ulo ang kanilang anak na si Baby­lyn Dollas, 12, na nasa kri­tikal na kondisyon.

Sugatang naisugod sa Laguna Provincial Hospital sa bayan ng Sta. Cruz sina Emelita Albano,68; Edren Forteza, 5; Joel Ablao, 31; at si Alaphata delos San­tos, 44.

Nakatakas si Rizare subalit nadakma ng mga rumespondeng pulisya at mga sundalo ng Phil. Army sa bayan ng Pagsanjan matapos ang ilang oras na operasyon. 

vuukle comment

CAFGU

CITIZENS ARMED FORCES GEOGRAPHICAL UNIT

EDREN FORTEZA

EMELITA ALBANO

JOEL ABLAO

LAGUNA PROVINCIAL HOSPITAL

LUIS PEREZ

MYLENE DOLLAS

PAGSANJAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with