^

Probinsiya

Ina tsinap-chop, sinilaban ng anak

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Brutal na kamata­yan ang sinapit ng isang 55-anyos na ina makaraang palakulin, tsap-tsapin saka silaban ng sariling anak na lalaki na pinaniniwalaang sinapian ng masamang espirito sa bayan ng Bogo, Cebu kamakalawa ng madaling-araw.

Hindi na makilala ang ina na si Victoria Pelayo ng Barangay San Pedro sa nasabing bayan habang naisugod naman sa  Severo Verallo District Hospital ang suspek si Rolando Mo­raca, 26, matapos na palakulin ang sarili sa tangkang suicide.

Sa police report na nakarating sa Camp Crame, lumilitaw na nagtalo ang suspek at kanyang ama kung saan pinayuhan ng ina ang kanyang mister na magpalamig sa labas ng bahay.

Gayon pa man, nang makaalis ng bahay ang ama ay nanlilisik ang mga mata ng suspek saka pinalakol at pinagputul-putol ang katawan ng kanyang ina saka sinilaban sa loob mismo ng kanilang tahanan.

Agad namang rumes­ponde ang pulisya at bumbero subalit hindi kaagad napasok ang bahay dahil sa presensya ng suspek na hawak pa ang palakol.

Sinubukan kausapin ng pulisya ang suspek subalit nanatiling nakatitig lamang ito sa kanila at ilang minuto pa ay pinalakol nito ang sarili kaya dinisarmahan ng mga pulis.

vuukle comment

BARANGAY SAN PEDRO

CAMP CRAME

CEBU

GAYON

INA

ROLANDO MO

SEVERO VERALLO DISTRICT HOSPITAL

SINUBUKAN

SUSPEK

VICTORIA PELAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with