5 nene minolestiya ng guro
BULACAN, Philippines — Nahaharap sa kasong kriminal ang isang 54-anyos na guro matapos molestiyahin ang limang menor-de-edad na dalagita sa bayan ng Sta. Maria, Bulacan, ayon sa ulat kahapon. Sa bisa ng dalawang warrant of arrest na inisyu nina Judge Ma.Teresa Mendoza-Arcega ng Malolos City Regional Trial Court Branch 17 at Judge Felino Elefante ng Sta. Maria Municipal Trial Court, inilatag ang operasyon nina SPO2 Vicente Herrera at PO2 Adrian Nolasco laban sa suspek na si Virgilio Joaquin ng Bulacan Agricultural National High School at nakatira sa Barangay Guyong.
Nadakip naman ang suspek matapos bumalik sa kanyang tahanan bandang alas-6:30 ng gabi. Ayon sa pulisya, nagaganap ang pangmomolestiya sa loob ng kuwarto ng suspek sa nabanggit na school. Maging sa loob ng kotse sa tuwing inihahatid ang mga biktima sa kani-kanilang bahay.
- Latest
- Trending