Sex den ni-raid , 5 huli

KAMPO ALEJO SAN­TOS, Malolos City, Philippines — Sinala­kay ng mga awtoridad ang isang beerhouse na pinanini­wa­laang pugad ng prostitus­yon na nagresulta sa pagka­kaaresto ng limang katao kabilang ang may-ari ng na­turang establisimyento sa Brgy. Caingin, Bocaue, Bu­la­can kamakalawa ng gabi.

 Agad na sinampahan ng kaukulang kaso ni P/C Insp. Marlon Santos ang mga na­aresto na sina Marilyn Bang­cong, may-ari ng Sir Geos Resto bar at residente ng Brgy. Bunlo, Bocaue, mga GRO na sina Maritess Atienza stay-in sa naturang bar, Kim Tan, 24; Joan Alfred Kho 21 at Jonalyn Villanueva 24; pa­wang ng lalawigang ito.

 Bandang alas 11:15 ng gabi ay nakatanggap ng im­por­mas­yon ang tanggapan ng Criminal Investigation and Detection Group hinggil sa lantarang pagbebenta ng laman sa mga kostumer sa naturang establisimyento at agad na nag­sagawa ng ope­rasyon na nagresulta sa pagkakaresto ng limang ba­bae. Napag-alaman din na walang kaukulang municipal health permit ang mga ina­restong babae na hinihinalang nagtataglay ng sexually transmitted disease.

Show comments