^

Probinsiya

Chinese drug syndicates nalansag

- Ni Gemma Amar­go Garcia -

MANILA, Philippines - Nalansag ng Intelligence operatives ng Bureau of Immigration (BI) ang isang sin­dikato ng droga na pinapa­takbo ng isang dayuhan ka­sabay ng pagkakaaresto ng anim na Taiwanese na hini­hina­lang miyembro ng na­turang sindikato sa Davao City kamakailan.

Sinabi kahapon ni BI officer in charge Ronaldo Le­desma na ang anim na Taiwanese ay naaresto noong Lunes sa loob ng kanilang tanggapan sa Torril Fish port sa nasabing lalawigan.

Kinilala naman ni Atty Faizal Hussin, BI Intelligence Chief ang mga naaresto na sina Lin Chin-Chun at Jan Jin Gwo na kapwa wanted sa Taipei dahil sa mga kasong illegal drugs.

Ayon naman sa Taipei Economic and Cultural Office (TECO) sa Manila na si Lin ay isang overstaying tourist at wanted dahil sa drug smuggling sa Kaos­hiung district court sa Taiwan habang si Jan naman ay undocumented alien at wanted sa district court sa Pingtong, Tai­wan dahil na­man sa pag­la­bag sa anti-narcotics law.

Kabilang din sa mga ka­ sama ng mga pugante na na­aresto sina Lin Hsin-Ching na expired na ang work­ing visa, Liao Chia-Sheng, Hsu Yao Tsung at Lin PIng Yuan na pawang mga turista.

Ayon sa opisyal, nagpa­labas siya ng mission order para sa mga suspek mata­pos na mabatid na ang da­lawa sa mga ito ay wanted dahil sa kasong drug trafficking sa Taiwan.

Nadiskubre din na lu­ ma­bag ang mga dayuhan sa immigration law dahil sa nag-nenegosyo ang mga ito sa Pilipinas ng walang ka­uku­lang visa.

ATTY FAIZAL HUSSIN

AYON

BUREAU OF IMMIGRATION

DAVAO CITY

HSU YAO TSUNG

INTELLIGENCE CHIEF

JAN JIN GWO

LIAO CHIA-SHENG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with