3 anak hinostage ng ama

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang iniwan ng misis kaya hinostage ng desperadong mister ang kanyang tatlong anak sa loob ng limang oras na hostage-drama sa Purok Cad­lom sa Barangay Basud, Polangui, Albay.

Naaresto ang hostage-taker na si Glenn Obias ha­bang nailigtas naman ang tatlo na sina Marimar Obias, 14, 3rd year high school; Glydel Obias, 9, Grade IV at si Milgen Obias, 7, Grade 1 pupil.

 Lumilitaw na hinostage ang tatlong anak kung saan armado ng itak ang suspek at ipinako nito ang mga pinto at bintana ng kanilang tahanan.

Dakong alas-5:50 ng ha­pon nang buuin ang Crisis Management Committee (CMC) kung saan nagtungo sa lugar si P/Senior Supt. William Macavinta kasunod ang misis ng suspek na si Mildred Obias habang nakaposte ang Special Weapons and Tactics (SWAT) team at ambulansya.

Nabatid na naging desperado ang suspek matapos itong iwan ng kaniyang misis noong Setyembre 27 dahil sa problemang pinansyal.

Naging matagumpay na­­ man ang negosasyon kung saan ay napasuko rin ang suspek sa pamumuno ni P/Chief Insp. Lorenzo Trajano Jr. bandang alas-7:45 ng gabi at nailigtas ang tatlo.

Show comments