^

Probinsiya

Gang rape sa Cagayan

- Nina Victor Martin at Joy Cantos -

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Hindi pa nare­re­solba ang kaso ng gang rape laban sa isang volunteer nurse sa South Upi, Maguindanao at dalawang hasykul student sa Cadiz, Negros Occidental, isa na namang 13-anyos na mag-aaral ang nadale ng gang rape sa bayan ng Gon­zaga, Cagayan ayon sa ulat ng pulisya.

Sa reklamo ng 2nd year high school student na iti­nago sa pangalang Myrna mula sa Rebecca National High School, inihayag nito na dalawang beses siyang ginahasa ng siyam na lalaki sa irrigation canal sa Barangay Sica, Gonzaga sa Cagayan noong Set­yembre 22 at 25.

Sa ulat ni P/Senior Insp Dominador Caday, hepe ng Gonzaga PNP, isa sa mga itinuro ng biktima na sus­pek ay ang kanyang kasin­tahang si Jeric Cadayuna, 18, habang ang pito kabi­lang si Junel Cauitan, 25 ay estudyante ng Rebecca National High School at ang isa pang out-of-school youth na pawang nakatira sa Brgy. Pateng.

Sa naunang insidente, niyaya ang biktima ng ka­sintahan sa irrigation canal sa Sitio Tunnel para sa ka­nilang date kung saan na­ganap ang maitim na balak habang ang anim na iba pa ay nanonood at nagpapa­lakpakan.

Sa kabila nito, natakot ang biktima na magsum­bong sa kanyang lola.

Sa ikalawang pagkaka­taon ay muling niyaya ang biktima ng kasintahan dahil nais makipagbati sa kanya subalit sa pagkakataong ito ay halinlinan na siyang ginahasa ng siyam na lala­ki kabilang ang kani­yang naghudas na kasin­tahan.

Dito ay nagsumbong na ang dalagita sa kanyang lola at sinamahan siya sa pulisya at ipinaaresto ang mga suspek.

Pinag-aaralan ng pu­lis­ya ang pagsasampa ng ka­u­ku­lang kaso laban sa isang guro na unang nila­pitan ng biktima upang hu­mi­ngi sana ng tulong su­balit nag­walang kibo lamang.

vuukle comment

BARANGAY SICA

GONZAGA

JERIC CADAYUNA

JUNEL CAUITAN

NEGROS OCCIDENTAL

NUEVA VIZCAYA

REBECCA NATIONAL HIGH SCHOOL

SENIOR INSP DOMINADOR CADAY

SHY

SITIO TUNNEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with