Bus hulog sa bangin: 23 sugatan
KIDAPAWAN CITY, Philippines – Aabot sa 23-katao ang iniulat na nasugatan matapos mahulog ang pampasaherong bus sa may 30 talampakang malalim na bangin sa bahagi ng Poblacion sa bayan ng President Roxas, North Cotabato, kahapon ng umaga.
Kabilang sa naisugod sa New Cebu District Hospital, Kidapawan Medical Specialist Center at North Cotabato Provincial hospital ay sina Luzviminda Sumugat, Dexter Van Gajaldo, 17; Antonio Gajaldo, 19; John Rey Palmera, 24, ng Brgy. Pag-asa; Ireneo Carnaje, 32, ng Brgy. Naje, Arakan; Alex Abunola, 42; Rene Magdan, 55, ng Brgy. Birada, Kidapawan City; Sunnylou Purisima, 15, ng Brgy. Malatab, Antipas; Joseph Fuentes, 34, Kidapawan City; Gilbert Yee, 33, Bansalan, Davao del Sur; Sonia Parcon, 21; Jason Celgas, 10; Rosemarie Chiva, 49; Ruth Matthias, 38, Brgy. Binoongan, Arakan; Leonar Neri, 20, ng Brgy. New Cebu, President Roxas, Cotabato; Lucia Amlon, 45, ng Brgy. Taguranao, Matalam; Jocelyn Limbat, 43, Brgy. New Cebu, President Roxas, NCotabato; Melrose Reyes, 39, Brgy. Luhong, Antipas; Paul Barrete, 19, Brgy. New Bohol, Kidapawan City; Elena Gersaba, 70, ng Brgy. Datu Selo, Magpet; Jimaima Gallardo, 17; Anita Canonigo, at si Bitoy Primitivo.
Ayon kay P/Chief Insp. Benjamin Rioflorido, nawalan ng preno ang bus habang paakyat sa highway patungong bayan ng Arakan mula sa Kidapawan City.
Sumuko naman sa pulisya ang drayber ng bus na si Riginald Rojo Evangelio, 33, ng Brgy. Poblacion sa bayan ng Magpet.
- Latest
- Trending