Municipal treasurer itinumba

MANILA, Philippines - Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 60-anyos na municipal treasurer ng nag-iisang gunman sa panibagong karahasang naganap sa bahagi ng New Adams Road sa Brgy. Panzian sa bayan ng Pagudpud, Ilocos Norte kahapon ng umaga. Napuruhan sa likurang bahagi ng katawan si Elpidio Sy ng Brgy. Panzian , Pagudpud at ingat-yaman sa munisipalidad ng Adams. Ayon kay P/Senior Supt. Marlou Chan, provincial police director, nakaangkas sa motorsiklo ang biktima nang ratratin bandang alas -7:16 ng umaga. Hindi naman idinamay ng gunman ang drayber ng motorsiklo na si Remegio Reyes. Kaagad naman inireport sa pulisya ni Reyes ang naganap na kung saan rumesponde ang pangkat ni P/ Inspector Adriano Licudan Jr.

Show comments