BATANGAS, Philippines — Kalaboso ang binagsakan ng isang 17-anyos na lalaki matapos gahasain at patayin ang kanyang 4-anyos na pinsang babae sa liblib na bahagi ng Sitio Tagbakin sa Barangay Halang, Lipa City, Batangas noong Sabado ng tanghali.
Kinilala ni P/Supt. George Dadulo, hepe ng Lipa City PNP ang bata na si Jasmin Recinto ng nabanggit na barangay.
Samantala, ililipat naman sa custody ng lokal na sangay ng Department of Social Welfare and Development ang menor-de-edad na suspek na itinago sa pangalang Ronie.
Inamin ni Ronie na niyaya niya ang biktima sa gubat ilang metro lang ang layo sa kanilang bahay para maglaro.
Matapos halayin ang bata ay pinukpok pa ng bato sa ulo at ilibing sa mababaw na hukay.
Natagpuan lang ang bangkay ni Jasmine nang ituro ng kanyang kalaro kung saan siya dinala ni Ronie matapos nitong pangakuang bibigyan ng cake ang bata.