^

Probinsiya

Pekeng LTO officer dakma

- Ni Tony Sandoval -

LUCENA CITY, Philippines — Nag­hihimas ng rehas na bakal ang isang 31-anyos na pinaniniwalaang fixer sa LTO-Lucena City, Quezon matapos na maaresto ng pulisya dahil sa pagpa­panggap na opisyal ng LTO at pangongolekta ng pera, kamakalawa. Kakasuhan ng usurpation of authority at estafa ang suspek na si Ervin Sotomayor ng Saria­ya, Quezon.

Sa ulat ng pu­lisya, nag­reklamo si Hubert Durian kaugnay sa pa­ngongolekta ng suspek ng P1,800 para sa registration ng kanyang motorsiklo. Subalit ma­kalipas ang isang buwan ay hindi na nagpakita ang suspek at hindi na din ito makontak sa telepono kaya nagpatulong sa kanyang pamangking si Alvin Ro­gelio. Dito na nakontak ni Rogelio ang suspek kung saan nag­panggap ang una na mag­paparehistro ng mo­torsiklo. Nang magkasundo sa pres­yo ay nagtakda ng usapan ang dalawa sa fastfood chain sa Grand Terminal at nang hawak na ng suspek ang marked money ay inaresto na ito ng pulisya sa pangunguna ni P/Senior Insp. Fernando Reyes III.

vuukle comment

ALVIN RO

DITO

ERVIN SOTOMAYOR

FERNANDO REYES

GRAND TERMINAL

HUBERT DURIAN

LUCENA CITY

QUEZON

SENIOR INSP

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with