Lover ni misis todas kay mister

QUEZON, Philippines — Dahil sa pa­giging chikboy at pa­kikialam sa may asawa ng iba, napaaga ang salubong ni kamatayan laban sa isang 19-anyos na lalaki ma­tapos na pagsasaksakin ng isang mister sa Baran­gay San Diego sa bayan ng Gumaca, Quezon kamaka­lawa ng gabi.

Animo’y kinarne ang katawan ni Jaymar Hana­pin ng Barangay Villa Pa­dua habang tumakas na­man ang suspek na si Mar­vin Cantre, 30, ng na­banggit na barangay.

Sa pagsisiyasat ni PO1 Arnel Valdepena, lumilitaw na nakaabot sa kaalaman ng suspek na ang kanyang misis ay karelasyon ang biktima kaya tinungo nito ang kanilang tahanan.

Sa pag-aakalang mag-isa sa bahay ang kanyang misis para komprontahin ay nadatnan nito ang bik­tima at ang babae na mag­kausap.

Dito nagulantang ang biktima matapos maaktu­han na nakikipag-usap sa misis ng suspek sa loob ng bahay kaya mas mabilis pa sa kidlat na tumakas saka tumalon sa likurang ba­hagi.

Hindi naman nag-ak­saya ng panahon at hina­bol ng suspek ang papata­kas na biktima at nang ma­abutan ay walang habas na pinagsasaksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Napag-alamang nag­lakad naman ang suspek papalayo ng crime scene na animo’y walang naga­nap na krimen.

Show comments