4 arestado sa pot session

BULACAN, Philippines  — Apat-katao na pinaniniwalaang lulong sa bawal na droga ang naaresto ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group matapos ma­ak­tuhan sa pot session sa Barangay Tabing-Ilog sa bayan ng Marilao, Bulacan kamakalawa ng gabi. Kinilala ni P/Chief Insp. Marlon Santos ng CIDG-Bulacan ang mga suspek na sina Cesario Lucio, 46, auto mechanic; Lu­mioan Dang-Aoan, 43, drayber, kapwa nakatira sa Brgy. Tabing-Ilog; Arman Aliling, 32, computer technician ng Brgy. Dalandanan,Valenzuela City at si Erwin Ronquillo 23, celpone technician, ng Brgy. Abangan Sur, Marilao. Ang mga suspek ay naaresto sa bahay ni Lucio matapos magsagawa ng buy-bust operation kung saan na­sam­sam ang ilang gramo ng shabu, aluminum foil, lighter, tooter, at iba pang drug paraphernalias.

Show comments