Killer ng ex-colonel dedo sa shootout

MANILA, Philippines - Isang wanted na pinaniniwalaang responsable sa pagpatay sa dating environmentalist Officer ang napatay matapos makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa Matina Crossing, Davao City kamakalawa. Kinilala ang napatay na si Neptali “Jade” Artista na may kasong 3 counts of murder sa pama­maslang kay ret. Col. Eulogio Baltazar ng Davao Oriental at dalawa pa nitong ka­sa­mahan. Si Artista ay nasabat ng grupo ni P/Senior Inspectors Jacy Jay Francia at Randolph Cabañog sa Na­bua Compound sa bahagi ng Matina Crossing. Lumilitaw na nag-warning shot ang pulisya subalit tumangging su­mu­ko ang suspek kung saan naunang nagpaputok ng baril sa arresting team ng pulisya na may warrant of arrest kaya nauwi sa shootout. Narekober sa pinang­yari­han ng shootout ang Intratec 9 MM pistol, sub­machinegun na may 200 rounds ng bala at cal. 40.

Show comments