^

Probinsiya

14 tiklo sa illegal fishing

- Ni Francis Elevado -

CAMARINES NORTE, Philippines  — Aabot sa labing-apat na ma­ngi­ngisda ang nalambat ng mayor’s task force at pulisya ma­karaang maak­tu­han sa illegal fishing sa karagatang sa­kop ng Brgy Pinagtigasan, Calaguas islands sa bayan ng Vinzons, Camarines Norte. Pormal na kinasuhan ang mga ma­ngingisda na pina­ngu­nahan ni Reynaldo Flora ng Sitio Sugod, Brgy Ba­noc­boc. Batay sa ulat mula sa opisina ni Mayor Agnes Diezmo-Ang, ang F/B Ma­ridel na isang commercial fishing boat ay unang na­korner ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation subalit muling nag­sa­gawa ng illegal fishing. Ang nasabing fishing boat ay naaktuhang gumagamit ng boli boli fishing net sa may 5 kilometrong layo sa shoreline ng Brgy. Pinagti­gasan na pag-aari ni Pedro Rivero ng bayan ng Para­cale, Camarines Norte. Nagpaabot ng pasasa­lamat ang mga maliliit na mangingisda sa ipina­pakitang tapang at sipag ni Mayor Ang. 

B MA

BRGY BA

BRGY PINAGTIGASAN

CAMARINES NORTE

MAYOR AGNES DIEZMO-ANG

MAYOR ANG

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PEDRO RIVERO

REYNALDO FLORA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with