Mister nagbigti

SAMPALOC, Quezon, Philippines  — Isang mister ang nagbigti sa comfort room ng kani­lang bahay kamakalawa ng ha­pon sa Barangay San Ro­que ng bayang ito.

Nagulat ang batang si Fortune Andre Gagan, 10-anyos ng makitang naka­bigti ang kanyang ama na si Fortunato Gagan Jr., 45 anyos, sa loob ng kanilang CR bandang alas-12:30 ng hapon kamakalawa.

Kaagad humingi ng tu­long ang bata sa kan­yang tiyuhin at dinala ang bikti­ma sa ospital subalit idi­nekla­rang dead-on-arrival. Ina­alam pa ng pulisya ang motibo ng pagpapatiwakal ng biktima.

Samantala, isang 56-anyos na misis ang nag­bigti din sa loob ng kanilang kuwarto sa Irosin, Sor­sogon.

Kinilala ang biktima na si Nelia Funa, may-asawa at nakatira sa Barangay San Julian, Irosin.

Natagpuan ang biktima ng kanyang mister na na­kabigti bandang alas-2:30 ng madaling-araw sa ikat­long palapag ng kani­lang bahay. Napag-alaman na ito ang pangatlong pagka­kataon na nagpatiwakal ang biktima subalit sa kanyang ikatlong pagta­tangka ay natuluyan ito.

Show comments