CAVITE, Philippines —Isang lalaki ang nasawi matapos itong tambangan ng 2 hindi nakilalang suspek kamakalawa ng hapon sa barangay Paliparan 3, Dasmariñas City.
Sa natanggap na ulat ni Cavite Provincial Director Sr. Supt. Danilo Maligalig, ang biktima ay nakilalang si Francisco Dela Luna Jr., 32-anyos at nakatira sa Mabuhay City, Brgy. Paliparan ng nabanggit na lugar.
Batay sa imbestigasyon ni PO2 Abesamis, dakong alas-2:30 ng hapon habang nagmamaneho ng motorsiklo ang biktima sa nasabing lugar ng tambangan ito ng 2 suspek.
Pinagbabaril ang biktima na nagtamo ng 2 tama ng bala na ikinamatay agad nito. Mabilis na tumakas ang mga suspek habang 2 basyo ng bala ng kalibre 45 ang narekober ng pulisya.