Mister nagpasagasa sa trak

KIDAPAWAN CITY, Philippines – Nalasog ang katawan ng isang 52-anyos na mister makaraang magpasagasa sa trak sa bahagi ng Mala-ang Bridge sa bayan ng Makilala, North Cotabato kahapon ng tanghali. Halos magkagutay-gutay ang katawan ni Francisco de Leon, 52, ng Barangay Poblacion. Ayon sa police report, hindi napansin ng drayber na sumasalubong ang biktima sa trak dahil sa kurbadang kalsada sa nabanggit na tulay. Ayon sa mga kaanak, noong Lunes ay napansin na nila ang kakaibang kilos ng biktima kaya binantayan nila ito dahil baka tatalon sa tulay. Nagbigay naman ng tulong-pinansiyal sa pamilya ng biktima ang may-ari ng trak na kinilala lang sa apelyidong Guanzon ng Kabacan, North Cotabato. 

Show comments