^

Probinsiya

Kotse nasunog sa gasolinahan

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Dahil sa pagsagot ng tawag sa cell phone, isang sports utility vehicle ang nasunog habang nagpapa­gasolina kamakalawa sa Digos City, Davao del Sur kamakalawa.

Sa police report na na­karating kahapon sa Camp Crame, naganap ang insi­dente bandang alas-6:15 ng gabi sa Petron gasoline Station sa kahabaan ng Estrada 6th Street sa na­banggit na lungsod.

Napag-alamang nagka­karga ng gasolina ang mag-asawang sina Guiller­mo at Virginia Ceniza nang tumunog ang cell phone ng lalaki.

Kaagad naman nitong sinagot ang tawag sa cell­phone kaya lumikha ito ng pagsiklab sa unang bahagi ng kanyang sasakyang Toyota Revo.

Nasunog ang Revo ng mag-asawang Ceniza ha­bang nadamay din ang motorsiklong katabi nito sa gasolinahan.

Mabilis na nakababa ng kotse ang mag-asawa at agad naapula ang umapoy na sasakyan bago pa ito tuluyang maabo.

Pinaniniwalaang binale­wala naman ni Guillermo ang mga babala na naka­ka­dikit sa gasoline station na mahigpit na ipinagba­bawal ang paggamit ng cell phone habang nagpa­pa­gasolina.

CAMP CRAME

CENIZA

DAHIL

DAVAO

DIGOS CITY

GUILLER

GUILLERMO

SHY

TOYOTA REVO

VIRGINIA CENIZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with