3 akyat-bahay dedo sa encounter

MANILA, Philippines - Tatlong armadong miyembro ng Badjao Akyat-Bahay Gang ang iniulat na napatay makaraang makipagbarilan sa mga pulis-Davao sa kahabaan ng Mamay Road sa Lanang District, Davao City kamakalawa. Kabilang sa mga napaslang ay sina Diosdado Amores “Dado” Ramos, Rodrigo Laput “Toto Pilay” Gavino at isang tinukoy sa alyas na “Jojo”. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, bandang alas-2:30 ng madaling-araw nang makasagupa ng pulisya ang mga suspek na lulan ng motorsiklo. Sa tala ng PNP, ang mga suspek ang itinuturong res­ponsable sa serye ng panloloob sa magagarang mga bahay sa Davao City. Narekober sa tatlo ang dalawang granada, tatlong baril at motorsiklo na may plakang PN IT 8997.

Show comments