BULACAN, Philippines – Dalawa-katao kabilang ang pekeng pulis na may bitbit na baril ang naaresto sa Comelec gun ban checkpoint sa Brgy. Loma de Gato sa bayan ng Marilao, Bulacan kamakalawa ng umaga. Kinilala ni P/Senior Supt.Fernando Villanueva ang mga suspek na sina Andrew Dilag, 27; at Vicente Manalad, 32 kapwa nakatira sa Brgy. Buenavista sa bayan ng Sta. Maria, Bulacan. Ayon kay P/Supt. Caesar Tannagan, naharang ang dalawa habang lulan ng Nissan Sentra na may commemorative plate na PMA-PNPA 99. Nakumpiska sa dalawa ang isang baril at t-shirt na may tatak na pulis pero walang maipakitang kaukulang dokumento.