Karambola ng motorbike: 2 dedo, 4 sugatan
BATANGAS, Philippines — Kamatayan ang sumalubong sa dalawang lalaki habang sugatan naman ang apat na iba pa matapos magkarambola ang tatlong motorsiklo sa kahabaan ng highway na sakop ng Balayan, Batangas kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni P/Supt. Arcadio Ronquillo, Ba tangas PNP Information Officer ang mga nasawi na sina Mario Segunial, 39, ng Barangay Quisumbing, Calaca at Nonato Caisip, 48, ng Barangay Biliran, Nasugbu, Batangas.
Sugatan naman ang mga backrider ni Caisip na sina Ema Ruth Plaza at Joy Plaza-Ramos kung saan nadamay din sina Jose De Padua, 41, barangay councilor at ang asawang guro na si Nemia De Pa dua ng Barangay Caloocan, Balayan.
Ayon sa police report, binabagtas ni Segunial ang national highway sa Barangay Caloocan nang mag-overtake sa unahanang sasakyan hanggang sa mabangga ang kasalubong na motorsiklo ni Caisip bandang alas-8:15 ng gabi.
Dahil sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ang motorsiklo ni Segunial at tumama naman sa motorsiklo ng mag-asawang De Padua na sumusunod sa motorsiklo ni Caisip.
Dead-on-the-spot sina Segunial at Caisip samantalang isinugod naman ang mga sugatan sa Madonna General Hospital.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya.
- Latest
- Trending