Kandidatong kabesa itinumba

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines  — Isa na namang kandidato sa pagka-barangay chairman ang iniulat na napaslang makaraang ratratin ng mga armadong lalaki sa kanyang bahay sa Barangay Halabang Baybay sa bayan ng San Pascual kahapon ng umaga. Si Cesar Ocampo na sinasabing ex-barangay kagawad at nagdesisyong tumakbo sa barangay elections sa Oktubre ay pinagbabaril sa loob ng palikuran. Pinaniniwalaang may kinalaman sa pulitika ang naganap na krimen.

Show comments