LAOAG CITY, Ilocos Norte, Philipines — Arestado ang pangunahing suspek sa pagpatay sa isang brodkaster noong Hunyo matapos ang inilatag na operasyon noong Biyernes sa Summer Place Hotel sa Baguio City. Ayon kay P/Senior Supt. Marlou C. Chan, ang suspek na si Leonardo Banaag, Jr.ng Barangay 5, Bacarra, Ilocos Norte ay itinuturong bumaril at nakapatay kay Jovelito Agustin, brodkaster ng dzJC Aksyon Radyo sa Laoag City noong Hunyo 15, 2010. Si Banaag ay nadakip sa bisa ng warrant of arrest ni Judge Charles Aguilar ng Laoag City Regional Trial Court Branch 12. Napag-alamang may isa pang warrant of arrest na inisyu si Judge Francisco Quilala ng RTC Branch 14 dahil sa kasong illegal recruitment laban kay Banaag.