3 senglot dedo sa patrol car ng ABS-CBN

MANILA, Philippines –  Tatlo-katao na pinanini­walaang nasa impluwen­sya ng alak ang iniulat na nasawi makaraang maha­gi­p ang sinasakyang mo­tor­­siklo ng una ng pick-up patrol car ng ABS-CBN sa national highway ng Ba­rangay Curtin sa bayan ng Sinait, Ilocos Sur noong Biyernes ng gabi.

Kinilala ni P/Senior Supt. Eduardo Dopale, Ilocos Sur PNP director, ang dalawa sa tatlong na­sawi na sina Daniel Savel­lano at Peter Sentinaje.

Halos mapisak ang ulo at lumuwa ang utak nina Savellano at Sentinaje habang namatay naman sa Sinait Distrcit Hospital ang isa pang kasamahan.

Base sa police report na nakarating sa Camp Cra­me, magkakaangkas sa motorsiklo ang tatlo nang mabangga ng pick-up patrol car ng ABS-CBN Laoag City ni Romulo Andres ng Brgy. Purag, Sinait. 

Nabatid na patungo sa hi­lagang direksyon ang na­sabing TV network nang sal­pukin ang motorsiklo ng tatlo kung saan isinuko naman sa pulisya ni Brgy. Chairman Andres ang dray­ber ng patrol car.

Show comments