Trak vs dyipni: 6 todas; 16 sugatan

MANILA, Philippines –  Anim-katao ang kumpir­madong nasawi kabilang ang buntis na misis at sanggol sa sinapupunan nito habang 16 iba pa ang nasugatan matapos mag­banggaan ang pampasa­he­rong jeepney at trailer truck na may kargang soft­drinks noong Biyernes ng umaga sa kahabaan ng Bago Aplaya crossing sa Davao City.

Sa phone interview, kinilala ni P/Senior Supt. Rene Aspera, Davao City PNP director ang mga na­matay na sina Nancy Diaz, 44; Evelyn Rafales, 25; Zaldy Larona, 9; Rowena Robles, buntis na ina ni­tong si Geneveta Robles, at pang-anim ang walong buwang sanggol sa sinapu­punan ni Geneveta.

Naisugod naman sa Southern Philippine Medical Center, San Pedro Hospital at Davao Doctors Hospital ang mga nasugatang biktima.

Lumilitaw sa imbes­tigasyon ng pulisya na tinangkang mag-overtake ng jeepney ni Joel Pelone sa unahang sasakyan nang makasalubong nito ang trailer truck ni Martin Ortiz Galleta Jr.

Kasalukuyan naghihi­mas ng rehas na bakal ang dalawang drayber na nahaharap sa kasong kriminal.

Show comments