8 bata nalason sa tuba-tuba

MANILA, Philippines - Walong bata ang na­ospital makaraang mala­son sa kinaing bunga ng tuba-tuba sa General San­tos City, kamakalawa.

Kabilang sa mga bik­tima ang magkakapatid na sina Joan, 4-anyos; Jester, 7- taong gulang at Jeloy Rosal, 6 anyos. Naospital din ang mag­kakapatid na sina Eme­lyn, 4; Eduardo Jr., 6   at Mark Manatad, 5; kasama ang kanilang kapitbahay na sina Ruth Fuentes, 4 at Jovan Bernardo, 6 anyos.

Batay sa ulat na naka­rating sa Camp Crame, nagtungo ang mga bata sa Silway River sa Barangay Labangal sa naturang lung­sod kung saan sila naligo dakong alas-10 ng umaga.

Nagkatuwaan umano ang mga bata na ma­nguha ng bunga ng tu­ba-tuba na inakala ng mga itong isa lamang uri ng prutas na kani­lang kinain hanggang sa magsuka ang mga ito at dinala sa ospital.

Show comments