8 bata nalason sa tuba-tuba
MANILA, Philippines - Walong bata ang naospital makaraang malason sa kinaing bunga ng tuba-tuba sa General Santos City, kamakalawa.
Kabilang sa mga biktima ang magkakapatid na sina Joan, 4-anyos; Jester, 7- taong gulang at Jeloy Rosal, 6 anyos. Naospital din ang magkakapatid na sina Emelyn, 4; Eduardo Jr., 6 at Mark Manatad, 5; kasama ang kanilang kapitbahay na sina Ruth Fuentes, 4 at Jovan Bernardo, 6 anyos.
Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, nagtungo ang mga bata sa Silway River sa Barangay Labangal sa naturang lungsod kung saan sila naligo dakong alas-10 ng umaga.
Nagkatuwaan umano ang mga bata na manguha ng bunga ng tuba-tuba na inakala ng mga itong isa lamang uri ng prutas na kanilang kinain hanggang sa magsuka ang mga ito at dinala sa ospital.
- Latest
- Trending