Kapitan nakaligtas sa ambush

BALIWAG, Bulacan, Philippines —Himalang nakaligtas ang isang kapitan ng baran­ gay sa bayang ito mata­pos siyang makipag­pa­litan ng putok sa dala­wang armadong lalaki kama­kalawa ng gabi.

Ayon kay Senior Supt. Fernando Villanueva, Bula­can provincial police director, ang biktima ay naki­lalang si Bernard Gon­zales, bgy. chairman ng Brgy. Tangos sa bayang ito.

Minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo bandang alas-11:45 kama­kalawa ng gabi ng bigla siyang pagbabarilin ng 2 kalalakihan na lulan din ng motorsiklo.

Kahit sugatan, nagawa ng barangay official na makipagpalitan ng putok sa mga suspek kaya mabilis na tumakas ang mga tu­mambang dito.

Isinugod naman sa Sagrada Familia hospital ang biktima at inilipat sa pagamutan sa Maynila at nasa ligtas ng kalagayan. May hinala ang pulisya na pulitika ang motibo sa tangkang pamamaslang sa opisyal ng barangay.

Show comments