CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines —Dahil sa matagal ng alitan ng magkapatid isang nakakatandang kapatid ang pinagtatataga ng kanyang bunsong kapatid kamakalawa ng hapon sa P-3, Barangay Kiwalo, Daraga, Albay.
Nakilala ang biktima na hindi na umabot pa ng buhay sa pagamutan na si Erwin Enejosa, 30, binata habang ang suspek na nakatakas na man ay ang nakakabatang kapatid nitong si Ryan, 28.
Batay sa ulat ng pulisya, dakong ala-1:00 ng hapon kamakalawa ng bigla na lamang sugurin ng taga ng suspek ang kanyang kapatid.
Napag-alaman na ang dalawa ay may matagal ng alitan sa loob ng kanilang bahay hanggang sa bigla na lamang na mag-amok ang bunso at tinaga ang kanyang kuya.