NUEVA VIZCAYA, Philippines – Palaisipan pa rin sa mga awtoridad ang ginawang pagwasak sa nitso at sunugin ang bangkay na nakalibing sa sementeryo sa bayan ng Jones, Isabela. Ayon sa ulat, isang Reynaldo Valdez na dating principal ng Jones Rural High School ang nasa kabaong kung saan winasak ng mga di-pa kilalang grupo ang nitso saka sinunog ang bangkay. Ayon kay P/Chief Inspector Rodelson Yuke, hepe ng Jones PNP, binakbak ang konkretong nitso ni Valdez na inilibing pa noong Marso 2010. Nadiskubre ang kakaibang krimen noong Lunes ng gabi matapos mamataan ng ilang residente ang kabaong na nakakalat sa labas ng puntod. Lumlitaw sa imbestigasyon na nawawala ang pabaon na pera sa bangkay bilang kaugalian ng ilang kamag-anak. Pinaniniwalaan namang pagnanakaw ang isa sa motibo ng grupo na sinunog pa ang bangkay ni Valdez na dating kasapi ng fraternal organization Free and Accepted Masonry.