^

Probinsiya

Nakawan sa sementeryo

- Ni Victor Martin -

NUEVA VIZCAYA, Philippines Palaisipan pa rin sa mga awtoridad ang ginawang pagwasak sa nitso at sunugin ang bangkay na nakalibing sa sementeryo sa bayan ng Jones, Isabela. Ayon sa ulat, isang Reynaldo Valdez na dating principal ng Jones Rural High School ang nasa kabaong kung saan wina­sak ng mga di-pa kilalang grupo ang nitso saka sinunog ang bangkay. Ayon kay P/Chief Inspector Rodelson Yuke, hepe ng Jones PNP, binakbak ang konkretong nitso ni Valdez na inilibing pa noong Marso 2010. Nadiskubre ang kakaibang krimen noong Lunes ng gabi matapos mamataan ng ilang residente ang kabaong na nakakalat sa labas ng puntod. Lumlitaw sa imbestigasyon na nawawala ang pabaon na pera sa bangkay bilang kaugalian ng ilang kamag-anak. Pinaniniwalaan namang pagnanakaw ang isa sa motibo ng grupo na sinunog pa ang bangkay ni Valdez na dating kasapi ng fraternal organization Free and Accepted Masonry.

AYON

CHIEF INSPECTOR RODELSON YUKE

FREE AND ACCEPTED MASONRY

ISABELA

JONES RURAL HIGH SCHOOL

LUMLITAW

MARSO

NADISKUBRE

REYNALDO VALDEZ

VALDEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with