Karnaper dedo sa pulis

BULACAN, Philippines – Napaslang ang isang notoryus na karnaper matapos makipagbarilin sa mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group sa bahagi ng Barangay San Agustin sa bayan ng Hagonoy, Bulacan kahapon. Kinilala ni P/Chief Insp.Marlon Santos ng CIDG-Bulacan, ang na­patay na si Reynaldo “Terong” Viray ng Brgy. Mercado. Sa tala ng pulisya, si Viray ay may mga nakabinbing kasong kri­minal kung saan nag-siyu ng warrant of arrest si Judge Crisanto Concepcion ng Malolos City Regional Trial Court Branch 14. Si Viray din ang pangunahing suspek sa pagpatay kina Joel “Putik” Buensuceso at Noel “Bruno” Santos noong Hunyo 10, 2010. Ayon sa pulisya, si Viray ay namataang nag­be­benta ng nakaw na motorsiklo na walang plaka kung saan imbes na sumuko ay nakipagbarilan pa sa pulisya.

Show comments