IBA, Zambales, Philippines — Naaresto ng pulisya ang pangunahing suspek sa pagpatay sa isang negosyante at malubhang pagkasugat sa asawa nito sa bayan ng San Felipe, Zambales noong Linggo. Pormal na kakasuhan ang suspek na si Engelbert Anthony “Diablo” Pastor, 25, ng Barangay Felmida Diaz, Cabangan, Zambales. Ayon kay P/Insp Jude Bryan Maguddayao, si Pastor itinurong bumaril at nakapatay kay Reynaldo Sara, habang ang asawang si Alma ay grabeng nasugatan sa kanilang bahay sa Sitio Tektek, Barangay Sindol. Nabatid na si Pastor din ang itinuturing pangunahing suspek sa pagpatay sa negosyanteng si Primo Cayabyab noong Setyembre 3. Tugis naman ng pulisya ang dalawa ng kasabwat ni Pastor na sina Roldan Benito at Carlito Qil.