11 tiklo sa pot session

CAMP YAP, Zambales, Philippines  — Rehas na bakal ang binagsa­kan ng 11-katao matapos arestuhin ng pulisya sa pot session sa Barangay Baraca-Camachile sa bayan ng Subic, Zambales noong Linggo ng madaling-araw. Base sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Rafael Santiago, pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Ricardo Lacsa, 54; Eugene Lacsa, 27; Ray-ann Roga­sion, Louie Manlolo, 27; Nano Antonio, 30; Ru­by-Ann De Jesus, 20; Amapola Baleroso, 22; Estella Del­gado, 56; Joseph Guevarra, 30; at si Lucita Alado, 45. Ayon kay P/Chief Insp. Rogelio Ponce-I Peñones, DEU team leader, na­samsam sa mga suspek ang apat na plastic sachet na 4.6 gramo ng shabu, tim­bangan, at iba’t ibang uri ng bawal na droga.

Show comments